Philippine Information Agency News Feature on Kape Dose Festival with Coffee Heritage Project
GENERAL SANTOS CITY (PIA) -- Sinimulan na kahapon, Setyembre 29, ang kauna-unahang Kape Dose Festival ng Region 12 na magtatapos naman ngayong Sabado, Oktubre 1. Ito ay may temang "Empowering Smallholder Farmers through Sustainable Coffee Partnerships."
Tampok sa nasabing 3-day exhibit sa Veranza Mall Activity Center Gensan ang samu't saring produkto ng kape ng Rehiyon Dose mulasa mga local coffee farmers ng GenSan, Kidapawan, Makilala, Sultan Kudarat, at Sarangani Province na libreng matitikman ng mga mall-goers.
Ayon kay Adrian Lariba, Regional Project Coordinatorng Department of Trade and Industry (DTI) XII RAPID Growth, layunin ng festivalang palaguin ang kita ng mga smallholder farmers sa pamamagitan ng commercial partnerships.
Dagdag pa nito, nakaposisyon ngayon ang SOCSKSARGEN upang maging Coffee Capital of the Philippines, dahil sa pinakamalaking kontribusyon nito na 32.4% sa total domestic coffee production, lalo na sa coffee variety na Robusta.
Isang Memorandum of understanding ang pinirmahan sa pagitanng DTI XII, Coffee Heritage Project, at Nestle Philippines Inc. upang mapagtibay ang pagtutulungan ng gobyerno at private sectors sa proyektong maykaugnayan sa pagpapabuti ng coffee industry ng Region 12.
Inaanyayahan naman ni Region 12 Coffee Council Chairman Ronan Eugene Garcia, ang lahat ng mga imbitadong ahensya ng gobyerno,LGU, mga pribadong kumpanya, at publiko na makiisa sa pagsulong at pagtangkilik sa masarap na kape ng Region 12 dahil ito aniya ang makatutulong sa pag-aayosng buhay ng mahigit sa 15 libong pamilyang umaasa sa kape. (Harlem JudeFerolino/PIA SarGen)
Photo courtesy of: Kape Dose Festival 2022
Read article at: https://pia.gov.ph/news/2022/09/30/kauna-unahang-kape-dose-festival-ng-socsksargen-umarangkada-na
At the Moment gives us a sneak peek of the happenings at the recently concluded Manila Coffee Festival 2024
DTI Region 12 secured total sales of Php 13,625,464 for the six participating coffee micro, small, and medium enterprises (MSMEs) of the region after participating in the Manila Coffee Festival.
Philippine coffee entries Kalamansig Coffee and Kulaman Coffee from Sultan Kudarat won Paris Gourmet Medals at the highly prestigious ninth International Contest for Coffees Roasted at Origin.
A celebration of Philippine coffees, Filipino coffee growers, and Filipino coffee culture, is finally happening on March 17, 18, and 19, 2023 at the MGBX Convention Hall, Pasay City, Metro Manila.